November 26, 2005
Kaligtasan:
Tanggapin mo na ngayon habang maaga
Mayroong
tatlong tao na binuhay na mag-uli ng ating Panginoon mula sa mga patay. Una ay ang bata, sumunod ang binata at panghuli ay
si Lazaro. Bilang paglalarawan sa kaligtasan, ang tatlong pagkabuhay na maguli
ay magandang halimbawa ng pagkaligtas na maaga sa buhay na ito para mas marami ang
panahon na ipaglilingkod natin sa ating Panginoon. Huwag mo ng ipagpabukas ang pagtanggap sa Panginoon. Ngayon ang tamang
panahon.
1. Ang batang babaing may 12 dalawang
taong gulang –
Marcos 5:35-42-
Bumangon ang bata at lumakad
2.
Ang anak ng Babaing balo sa Nain –
Lucas 7:11-15- Naupo ito at nagsalita.
3.
Si Lazaro - Juan 11:43-44
Lumabas na napupuluputan ng kayong panlibing ang kaniyang mga kamay at paa.
Alin sa tatlo sa palagay mo ang marami pang ipaglilingkod sa Panginoon?
Ang Bata, binata, o ang matanda na?
Kailan mo pa ibigay ang buhay mo sa Panginoon? Pag huli na ang lahat? Pag matanda
kana? Madalas na marinig ko ang mga katagang ito sa bibig ng tatay ko “ Magsisisi na lang ako pag malapit na akong mamatay.
Katulad ng nakapakong kasama ni Jesus sa Krus, pagkatapos niyang kauspin ang Panginoon binigyan Siya nito ng kasiguruhan na
siya’y makakasama niya sa paraiso.” Kaya kang bigyan ni Jesus ng buhay na walang hanggan-lumapit ka lamang sa
Kaniya….NGAYON ANG TAMANG PANAHON….
KAILAN
Pa
Kailan pa ibibigay ang buhay mo’t lakas
Sa Kaniya na nagbigay sa’yo ng buhay na
wagas
Ang Pangalan Niyang banal kalian itatanyag
Kung wala ng pagkakataon at huli na ang lahat
At kung ang araw mo’y lumipas na
Makuha mo pa kayang Siya ay paglingkuran
Kailan pa kaya maglilingkod sa Diyos?
Kung hindi ngayon kalian pa
Click the Link Below for the complete Messages in TAGALOG
language-Nov.. 26-Dec. 03