GOOD FRIEND CHURCH

Mga Mensahe Noon Na Hindi Nagbabago

Home | Missionaries/Supporters | G12-Encounter God Retreat Seminar | Suport A Missionary | Favorite Links | Family Photo Album | EGR Seminar Pictures(G12) | Good Friend Church

Pang araw-araw na Mensahe para sa mga Kristiyano. 

November 26, 2005

Kaligtasan: Tanggapin mo na ngayon habang maaga


Mayroong tatlong tao na binuhay na mag-uli ng ating Panginoon mula sa mga patay. Una ay ang bata, sumunod ang binata at panghuli ay si  Lazaro. Bilang paglalarawan sa kaligtasan, ang tatlong pagkabuhay na maguli ay magandang halimbawa ng pagkaligtas na maaga sa buhay na ito para mas marami  ang panahon na ipaglilingkod natin sa ating Panginoon. Huwag mo ng ipagpabukas ang pagtanggap sa Panginoon. Ngayon ang tamang panahon.

          1.     Ang batang babaing may 12 dalawang taong    gulang– Marcos 5:35-42- Bumangon ang bata at lumakad

         2.     Ang anak ng Babaing balo sa Nain –

       -Lucas 7:11-15- Naupo ito at nagsalita.

3.   Si Lazaro - Juan 11:43-44
         Lumabas na napupuluputan ng kayong panlibing ang kaniyang mga kamay at paa.  

 

Alin sa tatlo sa palagay mo ang marami pang ipaglilingkod sa Panginoon? Ang Bata, binata, o ang matanda na?

 

Kailan mo pa ibigay ang buhay mo sa Panginoon? Pag huli na ang lahat? Pag matanda kana? Madalas na marinig ko ang mga katagang ito sa bibig ng tatay ko “ Magsisisi na lang ako pag malapit na akong mamatay. Katulad ng nakapakong kasama ni Jesus sa Krus, pagkatapos niyang kauspin ang Panginoon binigyan Siya nito ng kasiguruhan na siya’y makakasama niya sa paraiso.” Kaya kang bigyan ni Jesus ng buhay na walang hanggan-lumapit ka lamang sa Kaniya….NGAYON ANG TAMANG PANAHON….

 

                         KAILAN PA

 

 

 

         Kailan pa ibibigay ang buhay mo’t lakas

         Sa Kaniya na nagbigay sa’yo ng buhay na wagas

         Ang Pangalan Niyang banal kalian itatanyag

         Kung wala ng pagkakataon at huli na ang lahat

 

         At kung ang araw mo’u lumipas na

         Makuha mo pa kayang Siya ay paglingkuran

         Kailan pa kaya maglilingkod sa Diyos?

         Kung hindi ngayon kalian pa

 

 


November 28, 2005

Papaano nakasumpong ng biyaya si Noe? -Genesis. 6:8


Si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mata ng Diyos dahil siya’y isang  banal na may dakilang katangian. Ang mga sumusunod ay magpapatibay ng bagay na ito.

 

1.Lumakad siyang kasama ng Diyos sa kabila ng mga nangyayari sa kaniyang kapaligiran - Gen. 6:6-13
2. Siya’y sumunod bagamat napakatindi ng ipinagagawa ng Diyos sa kaniya

        - Gen. 6:14, 22; 7:5
3.May pananampalataya siya sa mga bagay na hindi kapanipaniwala
 - Heb. 11:7; Gen. 2:5-6
4. Binalaan niya ang iba sa darating na kahatulan ng Diyo
 - II Pet. 2:5
5. Siya’y nagtayo ng dambana para kay Yahweh.

        - Gen. 8:20

Kung ating pakikingan ang tinig ng Diyos at sumunod katulad ng ginawa ni Noe-Tiyak na ikaw ay bibiyayaan ng ating Panginoon.

 

 


November 29, 2004

Kalimutan ang Nakaraan - Filipos 3:13

1. Kailangang kalimutan natin ang nakaraang kasalanan I Cor. 15:9-10 – Hindi nag-alala si Pablo sa mga kasalanan niya noon.
2. Kailangang kalimutan na natin ang mga kalungkutan natin
noon
. II Sam. 12:15-23 – Hindi nanatili si David sa kaniyang mga kalungkutan
3. Kailangang kalimutan na natin ang lahat ng sama ng loob, galit at poot Eph. 4:31-32 – magpatawaran sa isa’t-isa
4. Kailangang kalimutan na natin ang mga tagumpay sa nagdaan Job 29:1-25 with 30:1 – Hindi nakatulong kay Job sa kasalukuyan ang mga tagumpay niya noon.

 

Ang mga nagdaan ay nagdaan na at hindi na natin maitutulad ito sa mga nangyayari ngayon. Madalas na naririnig ko sa mga tao noon pa man at hanggang ngayon ang katagang “Kung maibabalik ko lang ang kahapon” “ Kung ganito pala ang ginawa ko noon mayaman na sana ako ngayon,” “ Ba’t siya pa ang tinawagan ko, napakalaking pagkakamali-hindi sana nangyari ito.”  

Napakahalaga na pagsumikapan sa kasalukuyan na lumalim  ang relasyon natin sa Diyos upang pagdating ng takdang panahon magamit tayo ng Diyos sa mas malalim na kaparaanan. Kalimutan mo na ang nakaraan-lumakad kang kasama ni Kristo upang magtagumpay…..

 

 


November 30, 2004

Papaano po ba magpapakabanal ang Kristiyano? - I Pet. 1:14-16

1. Sumunod ka sa Banal Na Kasulatan - Awit. 119:9; Juan 15:3
2. Sikaping mapuspos ng
Espiritu Santo - Eph. 5:16-18 3. The forgiveness of the Holy Sacrifice - Hebreo. 9:14-18; I Pedro. 1:19; Hebreo. 10:29; I Juan 1:9

 

 


December 1, 2004

Ang lakad ng may likong pamumuhay- Kawikaan. 14:14 with II Pedro. 2:6-8

Nasa panganib ka ng “Pagtalikod” kung ikaw ay:

1. Nakatingin sa panlabas at hindi sa pananampalataya - Gen. 13:10
2. Nagpapasya kaagad ng hindi mo muna ipinapanalangin - Gen. 13:11
3. Tiwasay na kasalamuha ang mga makasalanan at masasamang tao - Gen. 13:12; 19:1
4. Laging pasanin ng mga lingcod ng Diyos(Pabigat) - Gen. 14:11-16
5. Natatakot sa tao kaysa sa Diyos - Gen. 19:1
6. Nakikisalamuha sa palatuntunan ng tao. - Gen. 19:8
7. Nagpabaya sa iyong patotoo - Gen. 19:14
8. Hindi naglalapit ng kaluluwa sa Panginoon - Gen. 19:15;
18:32 (Lot
had won no one outside of his family.)
9. Pagaatubili sa Pagsunod sa Salita ng Diyos - Gen. 19:15-16
10. Hindi sumusunod sa Salita ng Diyos - Gen. 19:18-20

 

Isang dating masipag at may matinding pag-ibig sa Diyos ang ginamit ng Diyos upang kami ay lumago so pananampalatay sa aming bansa. Dumating po ang panahon na siya’y nanlamig at dina nakayanang magbalik loob sa Panginoon.

Isa lang po siya sa napakaraming kilala natin na hindi nag-ingat ng kanilang relasyon sa Diyos.

Pagsikapan po nating mamuhay ng tapa at banal sa harap n gating Panginoon…

 

 

 

 


December 2, 2005

Mahal mo Ba Ang Panginoon? Mat. 22:34-38


Kung ikaw ay may iniibig, ipinapakita mo sa iyong gawa na siya’y mahal mo. Gayon din sa ating Panginoon. Papano mo masasabing mahal mo Siya?

Kung Siya’y mahal mo:

1. Pinakikinggan mo ang kaniyang Salita ng may kagalakan - John 14:23; 8:47
2. May galak kang makipag-isa sa Kaniya - I Cor. 1:9; I John 1:1-10
3. Di kana nagagalak makisama sa mga hindi mananampalataya - II Cor.
6:14
4. Nagpupuri ka sa Diyos ng may galak- Heb.
13:15
5. Nakahandang ialay sa Kaniya ang lahat sa buhay ng may kagalakan                                                       -
Rom. 12:1-2; I Pet. 2:5
6. May galak kang naghihintay ng Kaniyang muling pagbabalik - Rev. 22:20; I Thes.
4:18

 


December 3, 2005

Ang Tunay na Sinugo II Cor. 5:20

1. Kailangang ikaw ay mamamayan ng bansang iyong ipapakilala - Eph. 2:19; Gal. 4:26
2. kailangang ikaw ay inatasan ng Hari - Mat. 28:20
3. Kailangang ikaw ay maging karapat-dapat sa Diyos - II Tim.
2:15
4. Ikaw mismo ang magpapatototoo patungkol sa Hari - Acts 1:8
5. Panatilihin mong banal ang iyong pamumuhay - I Thes.
5:22
6. Lagi kang manalangin para sa lahat ng tao - Luke 18:1
7. Maging laging handa sa pagbabalik ng ating Panginoon - I Thes.
1:10; 5:9; 4:16-18

 

 

 

December  5, 2005

Tumayong matatag at matibay Eph. 6:10-19

1. Susubukin ang ating pagkatao                                    - I Sam. 12:24 Gen. 18:17-19
2. Susubukin ang ating lakas - Prov. 24:10
3. Susubukin ang ating tapang - Josh. 1:8-9
4. Susubukin ang lalim ng ating pag-ibig sa ating Panginoon- John
14:15

5. Susubukin ang ating pananampalataya                     - Heb. 11:1, 6

 

 

 

 

December   6 , 2005

Mga bagay na dapat gawin ngayon.
Mga bagay na binanggit sa Banal na kasulatan na ating responsibilidad araw-araw:

1. Ngayon ang araw ng kaligtasan - II Cor. 6:2
2. Ibigay ang buong buhay sa Panginoon - Luke 9:23;
Rom.
12:1-3
3. Basahin ang Biblia - Acts 17:11; Psa. 119:97
4. Manalangin - Mat.
6:11
(emphasis on "this day")
5. Laging magalak at magdiwang - Psa. 118:24
6. Magpuri sa Diyos - Psa. 35:28; 145:2
7. Maglingkod sa Diyos - Mat.
21:28

 Tayo’y dapat magkaroon ng pakialam sa mga bagay na ito dahil tayo ay tunay na Kristiyano…

 

 

 

December   7, 2005

Mga bagay na puwedeng mawala sa isang Kristiyano


Bagamat tayo’y tinubos na n gating Panginoon sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan sa krus at alam nating tayo’y ligtas na, may iilang bagay na puedeng mawala kung hindi tayo nag-iingat  sa ating paglakad sa buhay na ito:


1. Puwedeng mawala ang iyong kagalakan                        - Awit. 51:12 Galacia. 5:22
2. Puwedeng mawala ang iyong  patotoo                      - Genesis.
19:14 (Katulad Lot)
3. Puwedeng mawala ang iyong  kalusugan                  - I Corinto. 11:30-32
4. Puwedeng mawala ang iyong  buhay                         - I Corinto.
11:30; I Juan 5:16

5. Puwedeng mawala ang iyong  mga gantimpala        - II Juan 8
6. Puwedeng mawala ang iyong mana                           - Galacia. 4:1-7

 

December    10, 2005

Bakit Kailangan kang maligtas Ngayon?

1.Sapagkat ito’y utos ng Diyos                           - II Cor. 6:2; Acts 17:31
2. Sapagkat Ikaw ay makakatanggap ng mga makalangit na gantimpala - Mateo. 6:19-20
3. Malalaman mo ang dahilan kung bakit ka nabubuhay-Para magpuri sa Diyos                   - Galacia.
2:20
4. Ikaw ay makikilala bilang mapagtagumpay-Mga binanal ng Diyos - Hebreo. 11:24-25
5. At ikaw ay maliligtas sa tiyak na kapahamakan sa impierno - Roma. 5:1; Juan 3:36

 

 

 

Enter supporting content here

Address in S. Korea: 
G. F. C. SOUTH KOREA
G. S. C. M.  Korea Chapter
284-1 Dodang-dong, Wonmi-gu, Bucheon-Si, Kyeonggi-do, 422-090 South Korea
Tel. # 01027749123   E-mail: gofriendic@yahoo.com
Address in Philippines: G. S. C. M. Main Church Philippines
Purok I, San Jose, Mesulo, Arayat, 2012 Pampanga, Philippines
Contact Person: Ptr. Mayoline Cortez
Tel.# 09207653363   E-mail:
Address in Dubai: G. S. C. M.  Dubai Chapter
Alpha Building Room 208, Hoar Al  Lanz
Salahuddin Road, Deira, Dubai, UAE 
Contact Person: Bro. Ricky & Mylin Valerio
Tel:# 0971505687236  E-mail: rickymvalerio@yahoo.com
Address in Libya: Libya
Mediterranean Church Of Jesus Christ
Contact Person: Bro. Rollie Valerio
Tel:#                             E-mail: rollievalerio@yahoo.com
Address in Saudi Arabia: G. S. C. M. Saudi Arabia
Contact Person: Bro. Romie M. Valerio
Tel:#                             E-Mail: romeovalerio2004@yahoo.com
 
 
 

G.S.C.M. Main Church Philippines
gscmchurch.jpg
Ptr. Mayoline M. Cortez

G. S. C. M. S. Korea Chapter
p8280188.jpg
Ptr. Robert Valerio